Life is a Puzzle

Alam mo ba na kung kinaugalian mong mag solve ng mga puzzles, mas maiimprove mo ang kalidad ng buhay mo? Oo, ang skill sa pag sosolve ng puzzle ay hindi lang limitado sa paglalaro nito. Maeemplowensyahan nito ang ibat ibang aspeto ng buhay mo.

Ang buhay ay puno ng problema; ngunit ang mga problema ay pwedeng tingnan bilang mga puzzles, or palaisipan. Kaya nga tinawag na “palaisipan” kasi gagamitin natin ang ating isip sa pag solusyon sa mga problema natin, hindi ba? Kapag sinabi kasi nating “problema,” parang negative ang dating. Pero kung ituri nating palaisipan, o puzzle, ang mga ito, parang naging mas positibo sya.

Kung sisikapin mong magkaroon ng puzzler mindset, mas angat ka sa buhay, dahil kung meron ka nitong mindset, napaka curious mo sa ibat ibang aspeto ng buhay — nagiging interesado ka sa history, language, geography, science, mathematics, at iba pa. Mas napapalawak mo ang iyong mundo. At isa pa, kung may puzzler mindset ka, nagiging flexible ang mind mo at nagiging playful ka. Itong mga katangian ay kinakailangan sa pag lutas ng mga problema sa buhay. Kung hindi ka playful, magiging sobrang seryoso ka at mas nakaka stress ang buhay.

Kaya hinihimok ka na makilahok o mag participate sa Atocha Protocol dito: https://atocha.io/. Siyempre you can earn kung ma solve mo ang mga puzzles doon. At pwede ka rin mag create ng sarili mong puzzles. At magkaka earn ka rin kahit ikaw ang gumawa ng puzzle. Ating tatalakayin ang mga prinsipyo sa buhay na pwedeng maiapply sa puzzle solving at vice versa.

Break It Down

Kung malaki ang iyong problema, pwede mo itong ma break down into smaller parts. May kasabihan, papano mo kakainin ang isang elepante? One bit at a time. Paisaisang kagat. Ganun din ang pag solve ng mga puzzles. Huwag mong I approach na para bang kakainin mo ang buong elepante. Pwede mong isa isahin ang ibat ibang bahagi ng puzzle paunti unti.

Sa buhay, hindi mo rin kailangan na sulongin ang problema nang isahan. Halimbawa, kung nakapag desisyon kang tumakbo araw araw, maooverwhelm ka lang kung iisipin mo ang buong activity from start to finish. Pero kung isa isahin mo, like first step ay isuot mo muna ang iyong running shoes, mas madali mong magawa ang pinaka goal mo. Meron ka munang mga subgoals na I accomplish bago ka lumipat sa sunod na subgoal. At pwede mo itong paunti unting abutin ang pinaka goal mo.

Baliktarin

Ang isa pang technique para ma solve ang mga puzzles ay ang upside down approach. Isa ito sa mga pinaka classic na paraan. Dahil ang ibang mga problema o suliranin ay pwedeng baliktarin para makuha ang mga sagot o lunas sa puzzles. Halimbawa:

May isang taong na trap sa isang kwarto. Ang mga pader ay sementado at ang sahig ay lupa lamang. Ang labasan lang ay nasa pintuan. Pero naka lock ang pinto. Pero may butas sa bubongan. Merong pala (shovel) ang tao at nagsimula syang mag hukay. Alam naman nya na imposible ang gumawa ng tunnel, pero patuloy parin sya. Bakit?

Bueno, papano natin magagamit ang upside down approach? Malamang nakatutok tayo sa pag huhukay ng tao. Pero kung babaliktarin natin, habang naghuhukay sya, habang lumalalim ang kanyang hinuhukay, tumataas din ang lupa na pinagtatapunan nya ng hinukay nya. Dahil dito, pwede nya nang maakyat ang pader sa pag patong sa kanyang tianambak na lupa.

Maging flexible

Ang mga professional na mga puzzle solvers ay napaka flexible. Hindi sila dogmatic sa kanilang approach. Hindi sila stick to one hypothesis nila. Kinoconsider nila ang iba pang mga paraan sa pag solve ng mga puzzles. Dahil kung mag stick ka lang sa isang paraan, pwede nga na ma stuck ka dyan. May kasabihan nga, kabaliwan ang mag expect ng different results kung wala ka namang pinapalitan sa paraan mo.

Parating ibahin ang approach. Maging flexible. Tulad ng isang halimbawang ito. May truck na na stuck sa highway dahil ang overpass doon ay mababa, at ang truck ay napakataas. Ang overpass ay 14 feet, pero ang truck na dumaan sa ilalaim ay 14.6 feet. Kaya napakahaba ng traffic na naidulot ng truck na ito na nastuck sa ilalim ng overpass. Ilang oras na nilang hinihila ang truck pabalik, pati ang MMDA ay tumulong narin. Pero wala parin.

May isang bata na dumating at nag suggest na bakit hindi nalang bawasan ng hangin ang gulong ng truck. At first, parang nonsense itong suggestion. Pero sinubukan nila, at nakawala na ang truck sa ilalim ng overpass. Bakit hindi ito naisip ng mga professionals? Dahil na stuck din sila sa kanilang hypothesis. Hindi na nila kinosider ang iba pang mga creative na mga solusyon. Ganun din sa buhay at sa pag solve ng puzzles sa Atocha.

Hanapin Ang Pattern

Ang pattern ay kalimitang matatagpuan sa mga numbers game. Pero kung walang mga numbers ang iyong puzzles, pwede mong mahanap ang mga pares or pattern ng mga bagay bagay. Halimbawa, ano ang pattern dito sa set ng numbers na ito: 8,549,176,320.

Parang wala silang kapattern pattern diba? Pero kung isusulat mo pala ang mga numbers na ito, ang spelling nila ay alphabetical order. Ganito yun: eight, five four nine, one seven six, three two zero. Oh, diba alphabetical order? Sa buhay at sa puzzles, ganun din. Kung minsan may mga hidden patterns dyan. Kailangan mo lang obserbahan ang mga bagay2x.

Paano, nakita mo na kung gaano ka halaga ang puzzle mindset sa totoon buhay? Matutulungan ka ng puzzle mindse (https://atocha.io/)t mo na bigyan lunas ang mga problema, as an individual man o isa kayong organisasyon. At kung mag practice ka sa Atocha, hindi ka lang nag ttraining sa pag earn sa protocol, na hahasa mo rin ang iyong skill sa pag solve ng mga puzzles ng buhay natin. Nandyan ang health, business, family, at iba pang mga aspecto ng buhay.

Kaya simulan mo nang maglaro sa Atocha, ikaw man ay puzzle creator or puzzle solver. See you in the Metaverse! Kung marami ka nang na earn sa platform, balato naman dyan oh. Pambili lang ng data sa phone para makapaglaro din sa Atocha. *Wink wink*

Follow and Join NEAR Philippines Community:

YouTube. Twitter. Facebook. Medium. Telegram.

--

--

NEAR is a decentralized application platform that is secure enough to manage high value assets like money or identity and performant enough to make them useful

Love podcasts or audiobooks? Learn on the go with our new app.

Get the Medium app

A button that says 'Download on the App Store', and if clicked it will lead you to the iOS App store
A button that says 'Get it on, Google Play', and if clicked it will lead you to the Google Play store
NEAR Protocol PH

NEAR is a decentralized application platform that is secure enough to manage high value assets like money or identity and performant enough to make them useful